(music and lyrics by Jude Gitamondoc, February 5, 2009
performed by Daryl Leong
piano by Jude Gitamondoc
recorded and mixed by Jad Bantug
at 1032 Studios)
Langit man ay maaabot ko rin
Kung ikaw ang kapiling
Ngunit aanhin pa ang mga bituwin
Kung hindi mapasakin
And mga yakap mo’t halik
Na dati pang minimithi
Hanggang ngayon, sadyang ganun pa rin…
Ang pag-ibig ko’y sa ‘yo pa rin
Pag-ibig mo’y di man maaangkin
Puso man ay pilitin
Di ko kayang limutin ka
Mapipigilan ba
Ang udyok ng damdamin…
Minsan pa ay pinilit tiisin
Lumayo sa ‘yong piling
Ngunit tila di na maaalis
Dito sa aking isip
Ang labi mo, ang ‘yong pisngi
Makita lang ang ‘yong ngiti
Ang pananabik ay muling bumabalik…
Ang pag-ibig ko’y sa ‘yo pa rin
Pag-ibig mo’y di man maaangkin
Puso man ay pilitin
Di ko kayang limutin ka
Mapipigilan ba
Ang udyok ng damdamin…
Mapipigilan pa’ng unos
Mahihinto pa ang bagyo
Ngunit hinding hindi itong damdamin ko…
Ang pag-ibig ko’y sa ‘yo pa rin
Pag-ibig mo’y di man maaangkin
Puso man ay pilitin
Di ko kayang limutin ka
Mapipigilan ba
Ang udyok ng damdamin…
Tumitibok, sumasamo,
Naghihintay sa ‘yo…
Sa ‘yo pa rin.
Copyright, MasterWorks 2009








